February 16th, 2008 by charms14
Fortunately, I am so busy this past few days and I didn’t have the time to think that last Thursday was Valentine’s Day. And right now, as I am preparing for my presentation to my beloved client, (and hopefully they will approve my project), I’m listening to Love Song, since Ilia just posted it.
Anyhoo, I’m into the Vertical Horizon mode. I heard them on the radio yesterday, and I tried searching for that particular song, (sadly I don’t know the title of it) but to no avail. Instead, i found this one song.
And I just love it.
"Sunrays And Saturdays"
Open the window
Let the sunset in
If only for the last time
Let me see you smile again
I’ll take my records
You can have your books
I’m sorry I never read them
But it says so much about us
Always trying
To make love out of care
The perfect recipe
But something wasn’t there
[Chorus:]
Sunrays and Saturdays
Perfect starry nights
Sweet dreams and moonbeams
And a love that’s warm and bright
Sunrays and Saturdays
Friendship strong and true
Oceans of blue and a room with a view
To live the life you choose
You’ll write me letters
I’ll call you on the phone
A wire away from touching
And never quite alone
We’ll get to know ourselves again
And we’ll heal our hearts
It’s not that we’re bad together
We’re just better off apart
Always trying
To have one and one make two
And even though it never worked
I still feel love for you -
Posted in Uncategorized | No Comments »
January 22nd, 2008 by charms14
Paulit-ulit akong pinapatay
bawat linggo at bawat linggo ipinapanganak
akong muli sa aking abo
Hindi ako binuburol at hindi ako iniiyakan
Papaliguan nyo lang ang aking katawan
Sa salitang bobo, tanga at puta nyo ako paliguan
Pagkatapos ay sisimulan na ang pagliyab
magsisimula sa paghalik at sa paghalik
ay pagkagat at sa pagkagat at paglamon
paglamon nang apoy sa aking laman
Dadamhin ng hangin ang aking abo
hahanapin sa bawat sulok at titipunin
titipunin at isasayaw sa saliw nang paglikhang muli
ng hangin sa abo, ng abo sa laman, ng laman sa katawan
Hanggang sa ako’y maging ako
Masarap mamatay at mabuhay muli
ngunit hindi katulad ni Kristo
Walang ililigtas, kahit ako
hindi ko ililigtas
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
November 28th, 2007 by charms14
Ganito mo ako sinasaktan
‘twing sasabihin mo sa akin ang dalawang salitang ayaw kong marining
Unang gagawin mo
bubunutin mo ang bawat maliliit na hibla ng buhok sa aking braso
para maging malinis at walang sagabal sa pag-gagawaan mo
pagkatapos, sisimulan mo nang iukit sa balat ko ang bawat letra
T-A-M-A N-A
mabuti na lang, di ka sanay ng kaligrapiya. Walang pakurba-kurba.
basta diretso mong inuukit
lumagkit man ang kamay mo sa pinaghalong dugo at pawis, ‘di mo pinapansin,
‘di ko na pinapansin
patuloy ka lang sa pag-ukit
hindi lang sa ngayon
Kundi sa bawat pagkakataon na meron ka
hindi ka naman maganda magsulat
at hindi naman pantay-pantay
ang bawat pabilog, ang linya
na inuukit mo sa laman ko
Nagawa mo nang perperkto ang bawat pagbigkas sa dalawang maikling salita
Sinusubukan mo bang gawing perperkto ang mga letrang inuukit mo?
Kung sabagay, alam mo naman na ayaw ko nang marinig
Kaya sa pag-ukit, pinapaalala mo na lang
ng mas matibay pa sa ‘yong tinig
(haay… asar.. tagal ko na talagang di nagsusulat. Tuloy di na nag-improve yung paggamit ko sa senses. Shet. Okey sa umpisa naman kase nasalarawan yung ginagawa ng kausap ng persona, pero sa huli… ayun… zhoowooop! Down ang energy. La na kase ako maisip… Haay… Kakapagod sa trabaho, maghapong nakaupo. Pramis, babalikan ko ulit ito tas rerepasuhin natin)
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
October 7th, 2007 by charms14
Sandaang perlas ko man ang isabit mo
Hindi na nito maiilawan ang landas
Pabalik sa iyong puso
Kahit taniman mo ang lupa
Ng mga puno at halaman
Hindi mo na ako maangkin
Ang anino ko’y ‘di dadapo
Sa mga bulaklak na dinilig mo ng luha
Kahit matatamis pa ang samyo
Nabibingi ako
Sa bawat pagkanta mo sa aking pangalan
Tuwing lumalakas ang ulan
Posted in Uncategorized | No Comments »
October 7th, 2007 by charms14
Mga Dilag ng Dagat
Sabi ng matatanda
Kapag ang araw ay nagsisimula nang tabunan ng langit
‘Wag kang lalapit sa dagat
Lumalabas ang mga dilag
Na may buhok na kakulay ng mga buhangin
At kutis na parang laman ng batang niyog kapag hihipuin
Mga mata nila’y tilang asong naglalambing
Tila mga ada sa ganda,
Ngunit mag-ingat ka, ‘ika nila
Sapagkat kung ang mga ada’y sa
pakpak lumilipad
Sila nama’y sa buntot ng isda
naglalayag
At ang kanilang tinig,
ang sabi wari’y huni ng dagat
kapag ang kabibe’y ilalapat
sa iyong tainga.
‘Wag kang makikinig
takpan mo ang iyong tainga at
mata
sapagkat aayain ka nilang
makipaglaro sa alon
at hindi mo mamamalayang
ilalim na ng dagat ang
matutunton
Posted in Uncategorized | No Comments »
October 7th, 2007 by charms14

Naupo tayo sa may damuhan
Upang ipahinga ang ating napapagal na katawan
Pinanood natin ang mga bituing nagkikislapan
At mayroon pang mga mistulang nagsisihulugan
Sa ‘di mawaring rason
Biglang lumakas ang hangin
At nang ang mga mata nati’y napuwing
Sinabihan mo akong wag ikusutin
Ika mo, “ Baka masira ang ating paningin”
Maya-maya nagyaya ka nang kumain
Upang ang walang lamang sikmura’y punuin
Ngunit pagdating natin sa restawran
Wala na tayong maupuan
Sa dami nang bumibili
Tinamad na tayong kumain
Umuwi na lang tayo sa kani-kaniyang tahanan
Upang ipahinga ang napapagal nating katawan
At kumakalam na tiyan
Posted in Uncategorized | No Comments »
September 20th, 2007 by charms14
sabi mo nagpipinta ka
pumasok sa isip ko, pwede
mo kayang ipinta ako?
hindi sa salita, o sa mga letrang nakalimbag sa isang pahina ng libro.
hindi ito ang aking kabuuan, hindi ang totoong ako.
ang kailangan ko ay walang paghalintulad, walang ibang isip na bubusisi.
ipinta mo ako
kulayan sa isang puting kanbas
likhain mo ang aking muka
ipinta mo ang aking mga mata
tila nakangiting mga bwan at nagniningning na mga bituwin
panatilihin mong nakatitig sa mga titingin.
at ang aking mga labi, panatilihin mong nakangiti.
maging dilaw man ang mga papel, palitan ang mga pintura
at magkaroon ka ng mga bagong modelo
gawin mo akong immortal.
nakatitig, nakatitig.
na para bang nakatingin sa bawat mag-mamasid.
Posted in Uncategorized | No Comments »
September 20th, 2007 by charms14
I savor the scent of your sweat
in my hands,
in my breasts,
in my neck.
Take me to a place
I and You.
One
Not of bliss.
Posted in Uncategorized | No Comments »
September 20th, 2007 by charms14
Maliligo sana ako
Lilinisin ang alikabok, usok,
dumi na dumikit sa katawan
mula sa byahe mula Alabang.
Ibubuhos ko na sana ang tubig
sa aking balikat (ayaw kong basain ang buhok ko)
ngunit napapikit ako, ginugunita ang pinanood nating sine kanina
habang niyayapos mo ang aking braso
at nakadantay ang iyong ulo.
Naalala ko, ang tapang ng iyong amoy, ng pawis.
Hindi katulad ng ibang lalaki, matapang na matamis.
Nanikit sa aking braso.
Hindi ko na magawang buhusan ng tubig
Naramdaman ko na lang ang lamig
ng inidoro sa aking hita.
Inaamoy ang braso.
Sinasamyo ang naiwan mong bango.
Posted in Uncategorized | No Comments »
September 20th, 2007 by charms14
Nakatitig. Nakatitig.
nagdadalawang isip kung pupukawin ka
sa iyong panaginip
para magpahatid.
Hindi mo kasi naitatatong, takot ako
pag magisa kong tinatahak ang daan, at kinukumutan pa rin ng gabi ang mga ulap at araw.
o kung may asong nag-aabang sa daan, o kaya ay mga matang sinusundan ang aking likod, ang aking katawan.
Hindi mo naitatanong,
takot akong maglakad mag-isa sa dilim.
Pero hindi na lang kita gigisingin
Matulog ka ng mahimbing, manatili kang nakapikit
siguro mas gusto mo na lang na anjan ka sa dilim.
(pangalawang subok ko nang gumawa ng tula sa loob ng mahabang bwan, medyo kinalawang. Parang pag-ibig, pag matagal ng di hinahasa, pumupurol at kinakalawang)
Posted in Uncategorized | No Comments »